Sunday, 1 November 2015

Sinaunang Greece

Ang Greece ay isa sa mga pinakakilalang bansa sa daigdig sapagkat marami silang naiambag sa kasaysayan.Isa rin sa mga naging dahilan kung bakit sila ay kilala ay ang kanilang Panitikan.Maraming tao ang naging interesado sa mga kuwento patungkol sa mga Diyos at Diyosa ng Greece.

Maraming bagay-bagay mula sa iba'ti ibang larangan ang naiambag ng mga Griyego sa daigdig.Ipinamalas ng Greece ang kagalingan ng kabihasnan nito sa larangan ng agham,arkitektura,drama,eskultura,medisina,pagpinta,kasaysayan,pananampalataya at pilosopiya.

Matatagpuan ang sinaunang Greece sa timog-silangang Europe,sa bahagi ng Balkan Peninsula.Umunlad ang kabihasnang ito sa palibot ng dagat hindi tulad ng mga Kabihasang Asya at Africa na umunlad sa lambak-ilog.

Heograpiya at Buhay sa Sinaunang Greece:
Malaking bahagi ng sinaunang Greece ang mabato at binuo ng mga kabundukan.Ang mga kabundukang ito ang naghati sa Greece sa mga rehiyon,dahilan upang maging watak-watak ang mga sinaunang pamayanang Greek.Dahilan ito upang maging mahirap ang komunikasyon at paglakbay ng mga Greek sa tangway. Sa kabilang banda, nakatulong naman ang heograpikal na katangiang ito sa mga pagsalakay.
Napalibutan naman ang Greece ng Aegean Sea, Ionian Sea, at Mediterranean Sea.Dahil sa mabundok na katangian ng Greece ,higit na naging madali ang paglakbay sa dagat kaysa sa lupa.Ito at ang kakapusan sa likas na yaman ang dahilan sa pakikipagkalakalan ng mga Greek sa mga karatig na lupain at sa pagpapalawak ng mga ito ng teritoryo.


MGA PAMANANG GREEK
Nahati sa dalawa ang kulturang nabuo sa Greece noong sinaunang panahon,ang Hellenic at Hellenistic.Ang kulturang Hellenic ay nakapaloob lamang sa Greece,partikular sa Athens kung saan kinakitaan ng masiglang pag-unlad ang pilosopiya ,agham , at sining noong ginintuang panahon nito.Ang kulturang Hellenistic naman ay ang pinaghalong kulturang Asyano at Greek dulot ng pagpapalawak ng imperyo ni Alexander.

KAHALAGAHAN NG MGA PAMANANG ITO
Naiambag nila ang pananampalataya,arkitektura,eskultura,dula at panitikan,pagsulat ng kasaysayan,at agham na napapakinabangan ng kasulukuyang Gresya.Dapat na pahalagahan nila ito dahil layunin na kanilang mapakinabangan ang mga ito.Tulad nga ng mga ambag, nasa kanilang realidad na ang mga kultura ng sinaunang mga griyego.Hindi lamang nagkaroon ng mga ambag para sa Gresya ngunit marami ring naiambag ang sinaunang Greece sa daigdig.Layunin na ating mapakinabangan ang mga pamanang mga ito.Napakinabangan natin ang kanilang mga kuwento tungkol sa mga Diyos at Diyosa na kinakaaliwan ng mga kabataan ngayon at iba pang mga mambabasa.Hindi lamang sa mga libro nababasa ngunit napapanood rin ito sa telebisyon.Naiambag rin nila sa daigdig ang olimpiyada, pilosopiya,agham,matematika ,at medisina na tunay nga nating ginagawa.

MGA AMBAG:

PANITIKAN
-Illiad at Odyssey(Epiko)












PANANAMPALATAYA
*Zeus        -hari ng mga diyos na nagtangan ng kapangyarihan ng kidlat
*Hera        -asawa ni Zeus at diyosa ng pagpapakasal at pag-aasawa
*Aphrodite-diyosa ng pag-ibig at kagandahan
*Apollo      -diyos ng musika,sining,at makatwirang pag-iisip
*Ares        -diyos ng digmaan
*Athena     -diyosa ng karunungan
*Demeter  -diyosa ng agrikultura
*Hades      -diyos ng underworld
*Poseidon -diyos ng karagatan
*Dionysus -diyos ng alak at pagsasaya

SINING
Tanyag ng eskulturang Greek ang Discus Thrower ni Myron.Ginawa naman ng eskultor na si Phidias ang mga palamuti sa Parthenon,kabilang ang estatwang Athena Parthenos.

ARKITEKTURA
Parthenon-pinakatanyag ng arkitektura ng Greek.



Tatlong uri ng kolum ang arkitekturang Greek:

*Doric
*Ionic
*Corinthian


ALPABETO
Ang alpabetong Greek ay naging batayan ng iba pang alpabeto at wikang European.

DULA AT TEATRO
Bahagi ng mga ritwal sa pista ay alay kay Dionysus,ang diyos ng alak.Ang mga aktor ay may suot na maskara na naglalarawan ng damdamin tungkol sa kanilang diyalogo.



PILOSOPIYA
Pinaniwalaan ng mga Greek na may kakayahan ang tao na unawain ang daigdig na kanilang ginagalawan.Mula sa Greece,isinilang ang tatlo sa pinakadakilang pilosopo sa daigdig.Sila ay sina Socrates,Plato,at Aristotle.

AGHAM,MEDISINA,AT MATEMATIKA
Iniambag ni Hippocrates sa larangan ng medisina ang Hippocratic Oath,isang kodigo ng mga wastong kaasalan sa panggamot.Pythagorean Theorem na nagmula kay Pythagoras ,nagpaliwanag ito ng relasyon ng mga side ng isang right triangle.Noong panahong Hellenistic,inakda ni Euclid ang The Elements of Geometry.

KASAYSAYAN
Mga Akda:
*History of the Persian Wars-inakda ni Herodotus,ang tinaguriang "Ama ng Kasaysayan"
*History of the Peliponessian-inakda ni Thucydides,kauna-unahang siyentipikong historyador.

PAMANANG GREEK SA DAIGDIG:OLIMPIYADA
Ang Olimpiyada ay isa sa mga pamana ng kabihasnang Greek sa daigdig.Una itong isinagawa sa Olympia noong 776 B.C.E. bilang parangal kay Zeus.

Para sa mga sinaunang Greek,karangalan para sa mga diyos at diyosa ang pagkamit nila ng ideal na pangangatawan,pisikal na lakas,at disiplinadong pag-iisip.Ang sumusunod ay ilan sa mga larong nilahukan ng mga atletang Greek sa Olimpiyada.

Stadion - 192 metrong race


Pankration-paligsahan sa pinaghalong
boxig at wrestling






Chariot race-paligsahan ng mga chariot

Pentathlon-paligsahan ng mga atleta

sa limang laro:jumping,javelin,sprint,

discus,at wrestling

Hoplitodrome-foot race suot buong baluti